Transaksyon sa mga tanggapan sa Kampo Crame bukas, magiging limitado

Manila, Philippines – Limitado ang mga transaksyon bukas sa Kampo Crame, dahil sa gaganaping ika-116th National Police Service Anniversary Celebration.

Umaga pa lamang ay may mga kalsada nang isasara bilang paghahanda sa programa na gagawin ng alas dos ng hapon.

Payo ng PNP sa mga gustong mag transact bukas ay ipagpaliban na lamang ito.


Kabilang sa mga araw-araw na transaksyon ay sa Civil security Group (CSG) para sa mga kumukuha ng lisensya bilang guwardiya at lisensya ng baril.

Ayon kay PNP Spokesperson Pcsupt. Dionardo Carlos, walang available na parking space bukas maliban lamang sa mga may special pass para sa assigned parking.

Sinabi ni Carlos, na lahat ng mga papasok sa Kampo Crame umaga pa lamang ay drop-off lamang ang mga ito.

Sa oras na dumating si Pangulong Rodrigo Duterte at magsimula ang program sa PNP Grandstand ay isasara na ang mga gates ng Kampo Crame.

Facebook Comments