Transgender, arestado matapos ipakalat ang hubad na larawan ng kaniyang dating nobyo

Timbog ng mga tauhan ng Regional Anti-Cybercrime Unit 4A katuwang ang Bacoor City Police Office ang isang transgender sa entrapment operation sa isang drive-in hotel in Bacoor City, Cavite.

Ayon kay Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) Director PBGen. Ronnie Francis Cariaga inaresto ang suspek dahil sa Grave Coercion, paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa kuwento ng biktima, limang buwan silang mag-partner ng suspek kung saan nagkaroon sila ng video calls at palitan ng mga malalaswang larawan at video.


Matapos nilang maghiwalay noong July 2024, ipinakalat ng suspek ang kaniyang maseselang larawan at video.

Ayon pa sa biktima, nag-demand ng meet-up ang suspek para makipagtalik sa kaniya kapalit ng pangakong buburahin nito ang mga video at larawan.

Dito na nagkasa ng operasyon ang ACG na nagresulta sa pagkaka-aresto ng suspek.

Facebook Comments