Pinayagang ng administrasyon ng Tarlac State University na magsuot ng dress ang transgender students upang makapagmartsa sa kanilang graduation.
Hindi pinayagan ng admin ng TSU na pagmartsahin ang anim na estudyante kung hindi nila susundin ang ‘prescribed graduation rites’.
Ipinakita naman ni Ivern Doroteo Arcache, AB Communication graduate, ang kaniyang respeto sa admin ng unibersidad na nagsuot muna ng lady barong nang magmartsa at nagpalit ng dress matapos makuha ang diploma.
Sinabi ni Arcache, kinoronahang Queen of the Philippines 2019, na isang tagumpay ito sa LGBT community sa kanilang unibersidad lalo na ngayong Pride month.
Umalya noon ang transgender students dahil sinabi ng admin na makukuha nila ang kanilang diploma ngunit hindi sila makakapagmartsa sa kanilang graduation.
Ipinagtanggol nila ito at sinabi ni Arcache na pwede naman ito sa ibang state and colleges tulad ng Pangasinan State University (PSU).
Pinahayag naman ni Arcache na sana ay wala nang maging problema at makakaranas muli nito sa mga susunod pang taon.