Handa na lahat para sa gaganaping plebesito ng Bangsamoro Organic Law bukas.
Ayon kay Bangsamoro Transition Authority Chief Minister Al-Hajj Murad Ebrahim – wala namang namo-monitor na banta sa seguridad ang mga law enforcement agency maliban sa tensyon sa Cotabato City at ilang lugar sa Lanao del Norte.
Sa ngayon, nasa proseso raw sila ng pagbuo ng joint peace and security teams na kabibilangan ng mga tauhan ng PNP, AFP at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Dagdag ni Ebrahim – pagkatapos ng plebesito, magkakaroon ng transition government hanggang 2022 na pangungunahan ng MILF.
Mayorya ng parliament ay manggagaling umano sa kanilang hanay habang ang iba ay ia-appoint ng Pangulo kasama na ang MNLF, christians at mga indigenous people.
Oras na maratipikahan, papalitan ng BOL ang Autonomous Region in Muslim Mindanao.