Transition ng bansa sa ‘new normal’, inaasahang magsisimula sa buwan Marso

Umaasa ang pamahalaan na magsisimula nang mag-transition ang bansa sa “new normal” pagdating ng buwan ng Marso.

Ito ay kasunod ng pagbagal ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa at pagtaas ng bilang ng mga nabakunahan.

Ayon kay Presidential Adviser on COVID-19 Vince Dizon, habang tinatarget ng gobyerno na ipatupad ang new normal sa susunod na buwan, kailangan pa ring tutukan at palakasin ang immunization drive dahil nakadepende rito ang pag-alis ng bansa sa pandemya.


Bukod dito ay kailangan ding hikayatin ang publiko na magpaturok ng booster shot, bakunahan ang vulnerable population, at pataasin ng vaccination rate sa ibang rehiyon.

Sinabi din ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pagtaas ng vaccination rate ang magiging daan upang makaalis na ang bansa sa pandemya ngayong taon.

Sa ngayon ay nasa 61.6 million na Pilipino na ang nakatanggap na ng kompletong bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments