Pormal nang naisalin ni outgoing Department of Education (DepEd) at Vice President Sara Duterte kay Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara ang tungkulin bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.
Sa isang seremonya sa DepEd, ibinigay ni VP Sara ang DepEd seal at flag kay Angara na tanda ng transition ng liderato sa kagawaran.
Sa talumpati ni VP Sara, nakaligtaan nitong pasalamatan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pero iniisa-isa nito ang kaniyang mga nagawa sa kagawaran kabilang na ang improvement sa curriculum sa basic education, acceleration ng mga imprastraktura at mga pasilidad mula nang pumasok ang kalagitnaan ng 2022, pagsasa-ayos sa procurement process at sa ngayon ay halos kumpleto na ang kanilang textbook procurement, at ang pagbili ng E-Learning Carts at marami pang iba.
Umaasa rin si VP Sara na sana’y suportahan ng mga magulang at guro ang bagong kalihim na si Angara lalo na ang mga gagawin nito para mapabuti ang education system ng bansa.