Nanindigan ang Department of Health (DOH) na hindi pa handa ang bansa para magbaba sa Alert Level 1
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kailangang paghandaan muna ang transition sa Alert Level 1 sa mga susunod na linggo o buwan.
Ito aniya ay base sa pag-aaral ng mga opisyal ng pamahalaan at ng mga eksperto kung saan marami ang dapat isaalang-alang bago magpatupad ng Alert Level 1.
Ipinaliwanag pa ni Vergeire na kapag naibaba na sa Alert Level 1, wala aniyang magiging restrictions at hindi na pag-uusapan ang capacities dahil ito na ang maituturing na new normal.
Sa ngayon, ang Metro Manila ay mananatili sa Alert Level 2 hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan.
Facebook Comments