Transition Team Ni Mayor Rodrigo Duterte, Kumpleto Na

5

MANILA – Nagmeeting na ang transition team ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte para sa maayos na paglilipat ng pamamahala ng sa kanila ng Aquino administration.Ang transition team ay binubo nina christopher “bong” go, bilang Executive Assistant ni Duterte, Campaign Manager Mayor Leoncio Evasco Jr, Campaign Finance Chief at negosyanteng si Carlos Dominguez, Campaign Media Bureau Chief Peter Laviña, Legal Team Head Atty. Salvador Medialdea at Deputy Legal Team Head Atty. Loreto Ata.Ayon kay Go, tinawagan na siya ni Pangulong Noynoy Aquino para mangamusta at ipaabot ang pagbati nito sa alkalde.Sinabi naman ni Go, na sa Lunes pa inaasahan magpapakita sa publiko si Duterte dahil nagpahinga muna ito kasama ang kaniyang pamilya.Tiniyak naman ni Go na gagawin lahat ng alkalde ang paraan para makita niya kung maiimplementa ng maayos ang kaniyang mga ipapatupad na batas.Siniguro rin ni Go na simpleng inagurasyon lang ang nais ni Duterte sa Hunyo 30.

Facebook Comments