Transmissibility ng Kappa variant, mahigpit na mino-monitor ng DOH

Mahigpit na mino-monitor ng Department of Health (DOH) ang transmissibility ng isang Delta sublineage na dating kilala sa tawag na Kappa variant.

Nito lang November 8 nang unang maitala ang pinakaunang kaso ng B.1.617.1 variant sa Floridablanca, Pampanga.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, sa ngayon ay nananatiling variant under monitoring ang Kappa at pinag-aaralan pa ang kakayahan nitong makapanghawa.


Pero babala ni Vega sa publiko, huwag magpakampante dahil mataas pa rin ang kaso ng Delta variant sa Pilipinas.

Hanggang noong September 20, nasa 3,027 cases na ng Delta variant ang naitala sa bansa.

Facebook Comments