Pinasinungalingan ng Philippine Genome Center (PGC) ang mga kumakalat na impormasyon na ang P.3 variant, ang bagong coronavirus SARS-CoV-2 na unang nadiskubre sa Pilipinas ay mas nakakahawa.
Ito ang tugon ng PGCQ sa isang report mula sa Quezon City District 6 COVID-19 Briefing, kung saan sinabi na mabilis na nakakahawa ang P.3 variant na may 60-porsyento ng mga kaso ay mula sa subdivisions at condominiums.
Sa Facebook post, binigyang diin ng PGCQ na wala pang pag-aaral na nakakapagsabi na “extremely contagious” ang P.3 variant.
Una nang sinabi ni University of the Philippines National Institutes of Health (UP-NIH) Executive Director Dr. Eva Maria Cutiongco-De la Paz na hindi pa ikinokonsiderang “variant of concern” ang P.3 variant.
Facebook Comments