Transmission line na naapektuhan ng Bagyong Salome, balik na sa normal -NGCP

Manila, Philippines – Balik na sa serbisyo ang transmission lines na naapektuhan ng bagyong Salome.

Sa kabuuan, 5 transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang naapektuhan ng sama ng panahon.

Kabilang dito ang Daraga-Sorsogon line, Naga-Iriga, Daraga-Ligao at Catarman-Lao line.


Sa abiso ng NGCP, patuloy ang pagsasagawa nila ng aerial at ground patrol upang malaman ang lawak ng pinsala ng bagyong Salome sa kanilang pasilidad.

Facebook Comments