Nilinaw ng Department of Health (DOH) na bihira lamang na naipapasa sa tao ang Avian Influenza (H5N1).”
Kasunod ito ng paghihigpit ng Department of Agriculture (DA) sa mga restriksyon laban sa Avian influenza sa ilang bahagi ng Bataan, Camarines Sur, Laguna, Nueva Ecija at Tarlac.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang dapat ipangamba ang publiko hinggil dito.
Gayunman, pinayuhan ni Vergeire ang publiko na pairalin pa rin ang minimum health standards, katulad ng pagsusuot ng face mask dahil ang bird flu ay isang uri ng virus.
“Ayon po sa World Health Organization, ang transmission from birds to humans at humans-to-humans ng Avian Flu ay napaka-rare, ibig sabihin, hindi po madalas nangyayari. Ngunit kahit na ganoon, inaabisuhan pa rin po natin ang publiko na umiwas muna po tayo sa paglapit sa mga wild birds, sa mga ibong may sakit o doon po sa mga taong naging close contact ng mga ibon o mga fowls na mga may sakit,” ani Vergeire