Mas mataas pa rin ng 40 percent ang transmission rate ng UK variant ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 kaysa sa ibang mga variant.
Ayon kay University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) Health Program Director Dr. Eva Maria Cutiongco-Dela Paz, bagama’t pareho ang incubation period ng mga bagong variant sa orihinal na COVID-19, mas nakakahawa pa rin ang UK variant base na rin sa ilang pag–aaral sa United Kingdom.
Nilinaw naman ni Dela Paz na hindi pa “dominant” o nangingibabaw ang UK at South African variant gayundin ang variants of concern sa naitatalang COVID-19 cases sa bansa.
Aniya, kailangan pang pag-aralang mabuti kung ito nga ang sanhi ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Facebook Comments