Transmission rates sa Visayas at Mindanao, tataas habang transmission rates sa Luzon, bababa —NGCP

Asahan ang paggalaw sa transmission rates sa Luzon, Visayas at Mindanao ngayong buwan.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), tataas ang transmission rates sa Visayas at Mindanao habang bababa naman sa Luzon.

Sinabi ni Ryan Datinggaling, Revenue Management Head ng NGCP, tataas ng P0.44/kHw ang itataas ng transmission rates sa Visayas gayundin sa Mindanao.

Habang ₱0.22/kWh naman ang bawas sa transmission rates sa Luzon.

Paliwanag ni Datinggaling, ang paggalaw ng transmission rates at bunsod na rin ng paggalaw sa presyo ng Ancillary Services o ang karagdagang serbisyo para matiyak na matatag ang suplay ng kuryente.

Facebook Comments