Transparency at accountability sa paggamit ng Bayanihan 2 funds, iginiit ni Senator Go

Mahigpit ang paalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa ehekutibo at lahat ng implementing agencies na maging transparent at accountable sa paggamit ng ₱165 bilyon na pondong nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Kumpyansa si Go na dahil sa Bayanihan 2 ay malayo ang mararating ng bansa patungo sa pagbangon mula sa kinakaharap na matinding krisis dulot ng pandemya.

Pero giit ni Go sa mga ahensyang magpapatupad nito, tiyakin na mararamdaman at mapapakinabangan ng mga higit na nangangailangan at pinaka-apektado ng pandemya ang lahat ng ayuda na itinatakda ng Bayanihan 2.


Diin ni Go, walang dapat masayang na kahit isang sentimo sa pera ng bayan kaya dapat siguraduhin na magagamit ito ng tama.

Facebook Comments