TRANSPARENCY | Pagsasapubliko ng lahat ng transaksyon ng lahat ng opisina ng gobyerno na gumagamit ng pondo ng bayan, ipinag-utos

Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Malacañang ang pagsasapubliko ng lahat ng transaksyon ng lahat ng mga opisina ng gobyerno na gumagamit ng pondo publiko.

Sa isang memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, inatasan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na magsumite ng report sa Office Of The President at Department Of Budget And Management (DBM) tungkol sa pondong nagastos sa pagbili ng mga suplay at ilang mga infrastructure projects.

Layunin nitong matiyak ang pagpapatupad ng good governance at transparency upang maiwasan ang katiwalian sa pamahalaan na isinusulong ng Duterte Administration.


Saklaw ng kautusan ang mga Local Governments Units, Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) at State Universities and Colleges (SUC).

Facebook Comments