Transparency sa bicam sa 2019 budget, tiniyak ng Kamara

Manila, Philippines – Tiniyak ni House Committee on Appropriations Chairman Rolando Andaya Jr., na isusulong ng House contingent sa bicam ang full transparency sa budget deliberations.

Ayon kay Andaya, ito rin aniya ang gusto ng mga senador.

Naniniwala naman ang mambabatas na magkakasundo ang mga senador at kongresista sa mga amyenda sa pambansang pondo.


Katuwiran nito, pareho naman ang kanilang naisin na mapakinabangan ng mga tao ang pondo at mapondohan ang mga proyektong pakikinabangan ng publiko.

Kasalukuyang nagpupulong ang grupo mula sa Senado at Kamara para ilatag ang rules ng Bicameral Conference sa 2019 national budget.

Ang iba pang miyembro ng House contingent sa pre-bicam meeting ay sina Representatives Ma. Carmen Zamora, Rodante Marcoleta, Edcel Lagman, Federico Sandoval II, Jose Antonio Sy-Alvarado, Yedda Marie Romualdez, Corazon Nunez-Malanyaon, Arthur Yap, Jesus Romualdo, at Minority Leader Danilo Suarez.

Facebook Comments