TRANSPARENCY SA BUDGET NG MGA DEPARTAMENTO NG GOBYERNO NGAYONG 2026, IGINIIT NG GABINETE

Inilahad ng iba’t-ibang departamento ng national government ang mga nakalaang pondo para sa mga palalakasin pang proyekto at programa sa taong 2026 sa isinagawang “Usapang Budget Natin” sa Bacnotan, La Union, kahapon, Pebrero 13.

Dumalo sa nasabing kaganapan ang mga kalihim ng Department of Public Works and Highways, Department of Interior and Local Government, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Education, Department of Trade and Industry, Department of National Defense, Department of Transportation, at Department of Agriculture.

Isa ngayon sa binibigyang pansin ay ang sektor kalusugan, edukasyon at agrikultura kung saan inilahad din ang mga pagtitibayin pang proyekto at programa upang mapakinabangan ng mamamayang pilipino.

Isa rin sa iginiit ng DPWH ay ang pagpapatuloy umano ng proyekto hindi natapos, bilang kanilang tututukan at bibigyan pansin upang tuluyan nang magamit ang mga proyektong imprastrakturang dapat sana’y matagal nang natapos.

Layon ng isinagawang programa ng transparency at pagbibigay-unawa sa mga Pilipino ng estado at direktang epekto ng pondo upang matiyak na mapapakinabangan ng mga Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments