TRANSPARENCY SA DISTRIBUSYON NG ₱40M SPECIAL FINANCIAL ASSISTANCE, TINIYAK KASUNOD ANG ISYU NG KORAPSYON SA PONDO

Tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang mahigpit na transparency at accountability sa pamamahagi ng ₱40 milyong Special Financial Assistance (SFA) mula sa Malacañang, bilang tugon sa mga kumakalat na isyu ng korapsyon sa pamamahagi ng iba’t ibang financial assistance sa bansa.

Ayon sa tanggapan, dadaan sa masusing identification, validation, at verification ang lahat ng benepisyaryo bago ang paglalabas ng pondo.

Isasagawa ito sa pamamagitan ng mahigpit na koordinasyon ng mga kinauukulang tanggapan ng munisipyo at pagsunod sa mga alituntunin ng mga pambansang ahensya.

Kabilang sa validation process ang pagsusuri ng opisyal na rekord, pag-cross-check ng listahan ng benepisyaryo, at pagkumpirma ng kwalipikasyon upang maiwasan ang duplication, maling representasyon, o erroneous inclusion.

Dagdag pa rito, lahat ng transaksyon ay susuportahan ng kumpletong dokumentasyon at sasailalim sa post-audit.

Nanawagan naman ang LGU sa publiko na suportahan ang maayos na implementasyon ng programa at idulog ang anumang iregularidad sa mga kinauukulang awtoridad, habang patuloy na ipinababatid sa komunidad ang proseso ng distribusyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments