TRANSPARENCY SA KABAN NG DAGUPAN, MULING IGINIIT KASUNOD NG UMANO’Y P230M PROBLEMADONG PROYEKTO’ NG NAKARAANG ADMINISTRASYON

Muling iginiit ng kasalukuyang administrasyon sa Dagupan City ang kahalagahan ng transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng publiko nang hindi kinukunsinti ang korapsyon.

Ito ay matapos ibahagi ng Pamahalaang Panlungsod ang abot P230 milyong halaga ng ‘problemadong proyekto’ ng nakaraang administrasyon sa naging pagpupulong sa Commission on Audit Region 1.

Ang mga naturang proyekto ay higit na nakaapekto sa kasalukuyang sitwasyon sa mga komunidad na nauna nang tinawag na pagsasayang lamang ng pondo dahil hindi nito direktang natugunan ang mga suliranin ng mga residente.

Bagaman hindi na idinetalye ang mga naturang proyekto, positibo naman ang tanggapan sa hakbang na gagawin ng COA sa pormal na pagsisimula ng audit para sa taong 2025.

Binigyang-diin ang malaking epekto ng wastong paggamit ng bawat halaga sa pondo ng bayan na sumasalamin sa bilang ng mga pamilyang maaring matulungan ng mga maayos at epektibong proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments