TRANSPARENCY SA PAGPAPATUPAD NG MGA PROGRAMA, BINIGYANG-DIIN SA MGA PUNONG BARANGAY SA BAYAMBANG

Binigyang-diin ang kahalagahan ng transparency sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan sa isinagawang pulong kasama ang lahat ng 77 punong barangay ng Bayambang, bilang bahagi ng pagsisikap na patatagin ang pananagutan at integridad sa antas-barangay.

Sa pulong, inilahad ang mga hakbang upang mas paigtingin ang malinaw at maayos na pagpapatupad ng mga programa, kabilang ang mga reporma sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Layunin ng mga pagbabagong ito na matiyak na ang mga benepisyaryo ay dumaraan sa malinaw at makatarungang proseso ng pagpili, at ang tulong ng pamahalaan ay napupunta sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Binibigyang-pansin din ang wastong pamamahala sa pondo para sa senior citizens, partikular ang tamang paggamit ng itinakdang 1% budget.

Isa rin sa mga tinalakay ang maagang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na gaganapin sa Nobyembre 2, 2026.

Kasama sa mga napag-usapan ang calendar of activities, voter registration, at ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Epal Ordinance upang maiwasan ang paggamit ng pampublikong pondo at proyekto para sa pansariling interes.

Facebook Comments