
Matagumpay na isinagawa ng Alaminos City Agriculture Cooperative ang ika-5 General Assembly, kahapon, Pebrero 17, na dinaluhan ng mga kasapi at kinatawan ng samahan. Layunin ng pagtitipon na maibahagi ang kalagayan ng kooperatiba at mailahad ang mga naging tagumpay at hamon sa nakaraang taon.
Sa isinagawang presentasyon, tinalakay ang estado ng kooperatiba, kabilang ang detalyadong ulat sa pananalapi at mga pangunahing accomplishment. Ibinahagi ang financial statement na nagpapakita ng paglago ng kita, gayundin ang mga salik na nag-ambag sa patuloy na pag-unlad ng samahan. Binigyang-diin din ang maayos at responsable nitong pamamahala sa pondo upang matiyak ang katatagan at pagpapatuloy ng mga programa at serbisyo para sa mga kasapi.
Ipinakita rin sa asembleya ang mataas na antas ng transparency ng kooperatiba sa pamamagitan ng malinaw na pagtalakay sa mga gastusin, proyekto, at programang naisakatuparan sa loob ng taon. Ang bukas na pag-uulat ay nagpatibay sa tiwala at suporta ng mga miyembro, na siyang pundasyon ng isang matatag at maunlad na kooperatiba.
Sa kabuuan, naging makabuluhan ang naturang pagtitipon bilang patunay ng sama-samang pagkilos at dedikasyon ng mga kasapi tungo sa patuloy na pag-angat ng kooperatiba at ng sektor ng agrikultura sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










