Epektibo ang transparency strategy ng Pilipinas sa paglalantad ng mga ilegal na aktibidad ng China partikular sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Jay Tarriela sa nagpapatuloy na National Security Cluster workshop dito sa Philippine Merchant Maritime Academy sa San Narciso Zambales.
Aniya, bago ilantad ng Pilipinas ang pang-haharass ng China sa WPS, matagal na nilang ginagawa ito hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa mga iba pang bansang may interes sa naturang karagatan pero wala aniyang nag-iingay.
Sa matagal na panahon ay itinuturing lang ang pang-haharass na ito bilang grey-zone tactics.
Pero, matapos na regular na iulat ng Pilipinas ang ginagawa ng China sa WPS ay nabunyag sa buong mundo ang tahasang paglabag ng China sa International Law na kinondena ng maraming bansa.