Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Financial Management Roadmap na magtitiyak ng maayos at transparent na paggastos ng pondo ng pamahalaan.
Ito ay matapos iprisenta ng Department of Budget and Management (DBM) ang Philippine Public Financial Management Reforms Roadmap 2024-2028 na magsisilbing blueprint ng polisiya at transparency sa paggamit ng pondo sa iba’t ibang ahensya.
Ayon sa Pangulo, layunin ng roadmap na matututukan ang mahahalagang serbisyo tulad ng disaster response, healthcare, at social services.
Target din nitong mapababa ang antas ng kahirapan at may paigtingin ang koordinasyon sa bawat sektor para sa resource management, capacity building, paggamit ng teknolohiya, at mahigpit na pagpapatupad ng financial programs.