TRANSPORT ASSISTANCE | Lakbay Alalay ng DPWH, muling ipatutupad ngayong Holy Week

Manila, Philippines – Magsisimula alas dose ng tanghali sa March 28, Holy
Wednesday, ang pagbabalik ng Lakbay Alalay ng Department of Public Works
and Highways, para asistehan ang mga motorista at mga dayuhang turista para
sa Semana Santa.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, tatagal ang Lakbay Alalay ng ahensya
hanggang sa alas dose ng tanghali sa Abril 2.

Partikular na tututukan ng DPWH ang pagpo-provide ng medical assistance sa
mga motorista, pagtitiyak na well- maintained ang mga pangunahing kalsada
at pagpapanatili na ligtas sa road obstructions ng mga ito.


Magiging katuwang ng DPWH ang LTO, PNP at mga LGUs.

Ipoposisyon ng DPWH ang kanilang mga tauhan at navy blue tents sa mga
stratihikong lugar nationwide.

Facebook Comments