TRANSPORT COOPERATIVE PRESIDENT NG LINGAYEN-DAGUPAN, PATAY MATAPOS PAGBABARILIN SA LINGAYEN

Dead on arrival sa pagamutan ang presidente ng isang Transport Cooperative sa Lingayen-Dagupan matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakilalang mga lalaki sa bayan ng Lingayen.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Lingayen PS, ang biktima ay kinilalang si Petonilo Castillo, 59 anyos, Presidente ng Lingayen-Dagupan Transportation Cooperative, lulan ng kanyang sasakyan kasama ang kanyang asawa na si Evangiline Castillo, huminto pansamantala ang kanilang sasakyan upang bigyang daan ang mga dumaraang mga sasakyan ngunit noong nakahinto sila ay biglang may kumatok na isang lalaki sakay ng isang motorsiklo sa kanilang sasakyan at dito na isinagawa ang pamamaril sa nasabing biktima ng tatlong beses.
Ayon sa kanyang asawa, nang mangyari ang pamamaril, pinaputukan pa umano ni Castillo ang mga suspek at agad na tumakas palayo sa lugar.

Agad na naitakbo sa pagamutan ang biktima sa pinakamalapit na hospital ngunit hindi na naisalba pa ang kanyang buhay.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang pangangalap ng pulisya ng impormasyon ukol sa nangyaring pamamaril. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨 Photos: Lingayen PS
Facebook Comments