Nagtipon-tipon ang dalawampu’t-dalawang transport cooperatives sa Region 1 para magsagawa ng Peace Rally ukol sa PUV Modernization Program ng Department of Transportation.
Sa naging aktibidad, nagsilbing tagapamagitan si Cooperative Development Authority- Public Utility Cluster in Region 1 President Jessie Quiroz upang maisatinig ang mga kinakaharap na pagsubok sa operasyon ng mga modernized jeepneys mula sa apat na lalawigan ng rehiyon.
Ilan sa mga tinalakay ang estado ng Land Public Transport Route Plan ng bawat kooperatiba at kakulangan sa subsidiya mula sa gobyerno.
Sa kabila nito, iginiit ng bawat grupo ang buong suporta sa PUV modernization program ngunit umaapela na mapakinggan ang kanilang hinaing. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments