Umapela ang isang grupo ng transportasyon na itaas sa 10 piso ang minimum fare sa jeep.
Paliwanag ng grupong 1-UTAK kung isasama ang 2 pisong excise tax aabot na sa higit 6 piso ang itinaas sa presyo ng diesel ngayong unang buwan pa lang ng taon.
Higit sa 4 na piso naman ang itinaas sa gasolina at kerosene.
Ayon sa grupo dapat ibalik na ang 10 piso na minimum fare sa jeep dahil 10 piso ang pasahe noong 37 pesos per liter ang presyo ng diesel.
Sa ngayon nahihirapan na anila ang mga tsuper dahil sa pagtaas ng petrolyo at gasino na lang ang kinikita ng mga driver.
October noong inaprubahan ang 10 pisong minimum fare sa jeep pero ibinalik ito sa nueve pesos dahil sa sunod-sunod na rollback sa gasolina noong Disyembre.
Facebook Comments