Kinalampag ng isang transport group ang mga nakaupong mambabatas na gumawa ng isang panukala na layong maging legal ang mga motorcycle taxi sa bansa.
Ayon kay The Passenger Forum (TPF) Convenor Primo Morillo, ang nasabing panukala ay makakatulong sa mga commuter na makayanan ang kasalukuyang krisis sa transportasyon habang parami nang parami ang mga industriya na bumalik sa on-site na trabaho.
Aniya, umaasa ang TPF na ang 19th Congress ay kumilos nang mabilis dahil kailangan ng mga commuter ang lahat ng tulong na makukuha sa kasalukuyang sitwasyon ng mga pampublikong sasakyan.
Inihalintulad ni Morillo ang Senate Bill No. 167 na inihain ni Sen. JV Ejercito na nagtutulak na kilalanin ang mga motorsiklo bilang public utility vehicle (PUV) para sa mga commuter.
Punto ni Morillo na ang panukala ay makakatulong din sa pagbuo ng trabaho ng pamahalaan nang walang gastos habang pinapalawak ang tax base nito.
Kaya naman, hiling ni Morillo na sana ay pakinggan sila at maaprubahan ang kanilang kahilingan upang makatulong sa mga pasahero at sa problema ng transportasyon sa bansa.