TRANSPORT GROUP NA ACTO, HINDI SASAMA SA TRANSPORT STRIKE SA LUNES

Hindi sasali sa magaganap na transport strike ang Transport Group na Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO sa Lunes kasabay ng State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay ACTO National President Liberty De Luna, kasama aniya sila sa tinatawag na Magic 7 na hindi sasama sa Transport Strike ng grupong manibela.
Katwiran nito, bakit pa umano sila sasali sa nasabing transport strike kung pinapakinggan naman ang kanilang mga kahilingang at concern.

Nagpasalamat naman ito sa mga opisyales ng DOTR lalo na kay USEC. Teofilo Guadiz na nakikinig sa mga concerns ng mga transport sector.
Pagtitiyak nito hindi maaapektuhan ang transport system lalo sa mga commuters dahil lalabas ang mga miyembro nila upang mamasada. |ifmnews
Facebook Comments