Transport group na LTOP, inalmahan ang paglalagay ng LTFRB ng multa sa mga hindi makapagsusuot ng face mask

Pumalag ang Liga ng Transpotasyon at Operators (LTOP) sa paglalagay ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng multa sa mga hindi makakasunod sa utos na magsuot ng face mask.

Tugon ito ni Marquez sa direktiba ng LTFRB na pagmumultahin ng limang libo ang mga jeepney driver na hindi susunod sa kautusan na magsuot ng face mask sa kanilang pagbiyahe sa gitna ng nararanasang banta ng 2019 Novel Coronavirus (nCoV) sa bansa.

Ayon kay LTOP President Lando Marquez, bagama’t suportado niya ang layunin ng direktiba, Iginiit ni Marquez na tanggalin na ang inilagay na multa.


Aniya, ang pagpapataw ng anumang karampatang parusa sa pasaway na drayber ay hindi otomatiko kundi dumadaan muna sa pampublikong konsultasyon.

Ani Marquez, sapat na nagpa-alala ang LTFRB sa pagkakaroon ng safety precaution lalo na pa at lantad ang mga ito na makapitan ng bacteria dahil sa kanilang araw araw na rutina sa kalsada.

Facebook Comments