Transport group na Manibela, iginiit na hindi sasali sa franchise consolidation sa kabila ng pagpapalawig ng tatlong buwan ni PBBM; PUVMP, marami umanong loophole!

Binigyang diin ngayon ng transport group na Manibela na wala silang balak na sumali sa franchise consolidation para sa Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP).

Ito ay kahit pa pinalawig na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng tatlong buwan ang consolidation hanggang April 30, 2024.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Manibela Chairman Mar Valbuena na welcome para sa kanilang grupo ang hakbang ng Pangulong Marcos upang magkaroon ng dayalogo at mapag-aralang mabuti ang PUVMP.


Giit ni Valbuena, ang gusto nila ay suspendihin ang PUVMP habang pinag-aaralang mabuti ang pagpapatupad nito at alisin na ang consolidation.

Hindi naman kasi aniya nakatulong ang consolidation matapos na malaman na mas maraming tsuper ng jeep ang mas naghirap simula ng sumali sa kooperatiba.

Sinabi ni Valbuena na maraming loophole ang PUVMP kaya naniniwala siyang sususpendihin muli ng Pangulong Marcos ang implementasyon nito matapos ang tatlong buwan deadline.

Facebook Comments