Transport group na Pasang Masda at ACTO nagpahayag ng pagsuporta sa tambalang Lacson-Sotto, motorcade sa NCR naging matagumpay

Ikinatuwa nina Presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson at running mate nito na si Senate President Vicente Tito Sotto III sa ginawang suporta ng grupong Pasang Masda, ACTO at iba pang jeepney association kung saan nag-organisa sila kahapon upang magsagawa ng motorcade sa maraming bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay Lacson inanyayahan sila ng kanyang ka-tandem na si Senate President Sotto upang sumama sa inorganisa ng mga transport group kung saan bago sumakay sa float si Lacson kinausap aniya siya ni Ka Obet Martin at sinabing nagpasya sila na susuporta sa tambalang Lacson Sotto.

Paliwanag naman ni Sotto noong nakaraang dalawang linggo ay inimpormahan siya ni Ka Obet Martin na plano nilang magsagawa ng Caravan sa nitong Araw ng Manggagawa May 1 at mag-iikot sa maraming bahahi ng National Capital Region (NCR) at tinanong siya kung gusto nilang sumama sa motorcade dahil maraming mga transport group umano ang nagpahayag ng buong suporta sa tambalang Lacson Sotto.


Dagdag pa ni Sotto hindi nila matatanggihan si Ka Obet Martin dahil malaking grupo ang Pasang Masda at bukod pa baka magtampo pa sa kanila kung balewalain nito ang alok.

Binigyang diin pa ni Sotto na ang ibang grupo ay sumama na rin sa motorcade at nilinaw ng beteranong senador na hindi sila ni Lacson ang nag-organisa ng motorcade kundi ang grupong Pasang Masda at pitong lungsod lang ang kanilang inikot kabilang ang Quezon City, ilang bahagi ng Pasig, Mandaluyong, Marikina, San Juan at ilang bahagi ng Manila.

Facebook Comments