Transport group, nakukulangan sa bigtime rollback sa petrolyo ngayong araw

Nakukulangan ang transport group na PISTON sa ipinatupad na bigtime oil price rollback ng ilang kompanya ng langis ngayong araw.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PISTON National President Ka Mody Floranda na bagama’t malaking tulong ang mahigit anim na pisong rollback sa langis upang makabawi ang mga jeepney driver sa kanilang kita, nangangamba sila na baka ito ay panimula lamang.

Giit ni Floranda, posibleng sa mga susunod na araw ay tumaas na naman muli ang presyo ng produktong petrolyo.


Umaasa ang grupo na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng petrolyo at hindi agad babawiin ng taas presyo sa susunod na linggo lalo na’t hindi masyadong naramdaman ang fare hike dahil sa mga serye ng oil price increase.

Mamayang ala-1:00 ng hapon ay makikipag-ugnayan ang PISTON sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board upang mapabilis ang pagkuha ng fuel subsidy sa mga miyembrong hindi pa nakakatanggap nito.

Facebook Comments