Transport group, nanawagan sa gobyerno na ibigay na ang “fuel subsidy”

Muling umapela sa gobyerno ang transport group na Manibela at TNVS o Transport Network Vehicle Service na ibigay na ang pangakong “fuel subsidy”.

Ayon kay Jun de Leon, pangulo ng TNVS, marami pa sa mga driver ang hindi pa nakakatanggap ng P6,500 na subsidya.

Paliwanag ni De Leon, malaki sana ang maitutulong nito sa pamilya ng mga driver lalo pa’t patuloy pa ang pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo.


Kasabay nito ang panawagan na isuspinde ang excise tax.

Sa panig ni Mar Valbuena Chairman ng Grupong Manibela, naging pahirap din sa kanila ang pag-deploy ng libreng sakay dahil nawawalan sila ng pasahero.

Sana raw bago ipinatupad ang programa ay kinonsulta muna sila ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Facebook Comments