𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗨𝗠𝗜𝗜𝗥𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗝𝗘𝗘𝗣𝗡𝗘𝗬 𝗠𝗢𝗗𝗘𝗥𝗡𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠

Nagpahayag ng saloobin ang ilang transport group sa lungsod ng Dagupan kasunod ng umiiral at patuloy na isinusulong na PUV Modernization Program ng pamahalaan.
Ayon sa ilang mga PUV operators na tanging syudad lamang ng Dagupan ang iniikutan, makikiusap umano ang mga ito sa mga nararapat na ahensya tulad ng LTFRB kung tuluyan nang maipatupad ang jeepney phaseout.
Ani ng mga ito, maliit lang kung titignan ang iniikutang ruta dahil buong syudad lamang ng Dagupan at hindi umano kakayanin ang buwanang balik kung makapag-avail ang mga ito ng isang modernized jeepney.

Maigi raw sa mga byahe mula pa sa ibang bayan at lungsod dahil tiyak na madadaanan ang kalapit at iba pang bayan sa mga ganitong uri ng modernized PUVs.
Panawagan ng mga ito na huwag muna sana agad na alisin lalo na kung nasa maayos na kondisyon ang mga ito at nasusunod pa rin ang panuntunang itinakda sa ilalim ng modernization program.
Samantala, nilinaw na ng LTFRB na hindi naman agad papatigilin sa pamamasada ang mga tradisyunal na jeepney sa Dec. 31 bagamat hinihikayat ang lahat ng drivers at operators na mapabilang sa mga cooperatives o kooperatiba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments