Iligan City – Umalma na ang transport group dito sa lungsod ng Iligan at Lanao del norte.
Ito’y sapagkat kada linggo ay tumaas nang tumaas angpresyo ng petrolyo na siyang pangunahin nilang ginagamit para sa kani-kanilang mga sasakyan.
Ayon kay Mr. Raul Permites ng Coalition of Lanao del Norte Utility Transport for Change o CLUTCH na ito aniya angepekto ng bagong tax reform na TRAIN Law.
Pawang mga may kaya lamang umano ang nakabenipisyo ng naturang batas at mas dinidiin pa ang mga mahihirap sapagkat tumaas na halos ang presyo ng mga bilihin.
Posible rin umano silang magtaas rin nang pamasahe kung may go signal na ang LTFRB sa kanilang hiling na dagdag piso sa regular fare. (Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
Transport Group sa Iligan City at Lanao del Norte umalma na sa kada linggo na pagtaas ng presyo sa petrolyo
Facebook Comments