Transport groups at mga militanteng grupo sa rehiyon 6, magsasampa ng petisyon sa LTFRB

Manila, Philippines – Napagkasunduan ng transport groups at ng mga militante grupo na gawing 10 peso na ang pamasahe sa mga pampasahero jeep sa rehiyon 6.

Ito ang ipinahayag ni Boyet Parcon, presidente ng Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers Association o ICLAJODA matapos magsagawa sila ng pulong kahapon ng umaga.

Sinabi ni Parcon na sa naturang pulong, napagkasunduan nila kasama ng Bayan Muna, Gariella, Piston-Panay at Icada na gawing 10 pesos ang regular na pamasahe sa jeep.


Binigyang diin ni Parcon na mamayang hapon nila isusumite sa LTFRB ang kanilang petisyon upang maitakda na ang mga public hearing kaugnay dito.

Ayon sa kanya, P3.50 nga dagdag sa pamasahe na kanilang hihilingin ay napagkasaunduan nila dahil sa patuloy at walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Facebook Comments