Magsasagawa ang grupong Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers o MANIBELA ng malawakang tigil-pasada simula sa Lunes, April 15, 2025.
Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na wala nang extension ang April 30 deadline sa Public Utility Vehicles o PUV consolidation.
Sa press conference, sinabi ni MANIBELA Chairman Mar Valbuena na hindi lang ito isang araw na nationwide “transport strike” kundi posibleng magtagal pa ito ng hanggang sa katapusan ng April.
Kasunod nito, nanawagan din si Valbuena kay Pangulong Bongbong Marcos na pakinggan ang kanilang panawagan at huwag tanggalan ng hanap-buhay.
Samantala, nag-anunsyo na rin ang PISTON sa pagsali sa malawakang tigil-pasada sa Lunes.
Facebook Comments