Handang magsagawa ng isang Linggong protesta ang Transport Groups.
Ito’y kapag hindi pakikinggan ng gobyerno ang hiling nilang ibasura ang planong PUV Modernization.
Ayon kay ACTO National President Efren De Luna, masyadong mahal ang mga bagong unit na ipapalit sa mga pampublikong sasakyan na 13 taon na o higit pa.
Pangamba rin nila, baka hindi nila kayanin ang maraming requirements para makakuha ng prangkisa.
Naniniwala si De Luna, na naging matagumpay ang kanilang kilos protesta kahapon.
Pero iginiit na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Martin Delgra III, na tuloy ang programang magkaroon ng mga modernong sasakyan para sa kapakanan ng mga pasahero.
Una nang nagbanta ang LTFRB na sususpendihin o kakanselahin ang mga prangkisa ng mga sumali sa tigil pasada.