Tuloy ngayong araw ang transport holiday ng nasa 30,000 driver ng Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Mamayang alas-6:00 ng umaga ay offline na ang application ng mga TNVS driver sa Quezon Memorial Circle at sa Diokno Avenue.
Magtatagal ang tigil-pasada hanggang alas-7:00 ng gabi.
Ayon kay Jun De Leon, chairperson ng Metro Manila Hatchback Community –ipoprotesta nila ang pagbabawal sa mga hatchback na sasakyan at ang umano ay pahirap na proseso sa pagkuha ng permit mula sa mga regulator.
Sinabi naman ni Brian Cu, presidente ng Grab Philippines – nakausap na niya ang ilang lider ng grupo ng TNVS.
Hindi rin sang-ayon si Cu sa transport holiday at sa halip ay idaan na lamang ito sa maayos na usapan ang problema.
Tuloy din ang pakikipag-usap ng Grab sa LTFRB para mapag-usapan ng isyu.
Dahil dito, maraming pasahero ang mahihirapang mag-book ng kanilang ride.