Manila, Philippines – Ikinatuwa ni LTOP President Orlando Marquez ang prayoridad ng Duterte Administration sa kanilang hanay upang magkaroon ng modernisasyon sa transportasyon sa bansa.
Ayon kay Marquez patunay aniya ang gagawing Transport Modernization Expo na gagawin bukas sa PICC Complex sa Pasay City upang ilatag ang programa ng gobyerno tungkol sa Transport Modernization program.
Paliwanag ni Marquez pangunahing pandangal sa Transport Modernization Expo ay sina DOTr Secretary Arthur Tugade at si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga opisyal ng LTFRB at DBP upang ipaliwanag ang kahalagahan ng Transport Modernization Program sa bansa.
Giit ni Marquez lahat ng programa tungkol sa modernisasyon ay ipapaliwanag kung papaano ililipat sa Transport Cooperative ang Transport Modernization Expo at maging ang lahat ng mga sasakyang Euro 4 kung saan inaanyayahan ang lahat ng mga lider ng Public Transport group na dumalo upang makapamili kung ano ang gusto nilang brand na sasakyan.