TRANSPORT NETWORK COMPANY | Hype, aprubado ba ng LTFRB

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang aplikasyon ng kumpanyang Hype upang makapag-operate bilang isang Transport Network Company (TNC).

Dahil dito, magkakaroon na ng kakompetensya ang nag-iisang TNC na Grab Philippines matapos na makuha ang pagmamay ari sa Uber sa Pilipinas.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, dahil aprubado na ang kreditasyon ng Hype bilang isang TNC, maaari nang mag-apply ang mga TNVS drivers ng kanilang certificate of accreditation.


Kailangan aniya ito bilang patunay na sila ay accredited na kapag humarap naman sila sa hearing ng regulatory agency para mag-apply ng certificate of public convenience.

Maliban sa Hype, sinasabing may aplikasyon rin sa LTFRB ang tatlong iba pang kumpanyang kabilang ang Owto, Lag Go at I-Para.

Facebook Comments