Transport protest, ikakasa ng ACTO ngayong araw

Inaasahang aabot sa 1,000 jeepney drivers ang lalahok sa kanilang transport protest ngayong araw.

Pangungunahan ito ng grupong Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO.

Ayon kay ACTO National President Efren De Luna – bagamat suportado nila ang PUV Modernization Program, ipoprotesta nila sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang pagtutol sa ilang probisyon ng programa na ayon sa kanila ay pahirap.


Kabilang na rito ang pagkakaroon ng mga kooperatiba.

Buwelta naman ni LTFRB Chairperson Martin Delgra III – maraming driver at operator ang bumuo ng transport cooperatives na nagpapakitang marami ang sumusuporta sa PUV Modernization Program.

Nilinaw ng LTFRB na hanggang June 2020 ang transition period at patuloy ang ginagawa nilang pag-aaral upang masigurong hindi mahihirapan ang mga PUV operators at drivers sa pagtalima sa PUV Modernization Program.

Panawagan pa ng LTFRB sa mga ito, sa halip na magkasa ng protesta ay idaan na lamang sa magandang usapan.

Facebook Comments