Ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa lahat ng transport sectors kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Inilabas din ang naturang direktiba matapos ilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila simula bukas, January 3 hanggang 15.
Dahil dito, ipinatawag nito ang mga enforcers ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at maging mga train marshalls ng lahat ng railway lines na pag-igihan ang pagpapatupad ng physical distancing sa lahat ng pampublikong sasakyan at transport terminals.
Pinapasiguro rin ng kalihim na ang mga sasakyang gagamitin ay safe at properly disinfected.
Hinikayat din nito ang mga opisyal ng aviation sector na pag-aaralan muli ang kasalukuyang cap sa daily passenger arrivals sa main gate ways.