Patuloy ngayon ang pagdaing ng transport sector sa lalawigan ng Pangasinan sa kanilang hirap na dinaranas.
Sa naging panayam ng ifm Dagupan kay Autopro Pangasinan President Bernard Tuliao, nagpapatuloy aniya ang hirap ng mga drivers dahil na din sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kagaya kanina.
Aniya kung dati ay malaki ang nauuwi nilang kita sa maghapon, ngayon ay kulang na kulang dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Ang limang daang piso na pang krudo noon aniya ay sobra na subalit sa ngayon ay kulang ang isang pusong piso.
Ngayong Miyerkules aniya ay nakahanda silang makipag usap sa hanay ng LTFRB st baguhin ang kanilang petisyon at kahit hindi na limang piso aniya ang itataas ay ayos lamang sa kanila basta maitaas ang pamasahe para maibsan ang hirap ng transport sector sa lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments