TRANSPORT SOLUTION | Posibilidad ng urban cable car sa Metro Manila, pinag-aaralan na

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pag-aaral para sa “urban cable car project” sa Metro Manila.

Katuwang ang gobyerno ng France sa nasabing proyekto na inaasahang makatutulong para maibsan ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Nagkakahalaga ang feasibility study para sa cable system sa Metro Manila ng 450,000 euros na direct grant mula sa French government at inaasahang tatagal ng sampung buwan.


Bilang grantor naman, naghahanap ang gobyerno ng France ng isang urban area para sa pilot implementation ng nasabing proyekto.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, hindi lamang “good transport solution” ang cable car system, kundi makakatulong din para mapalakas ang turismo.

Facebook Comments