Hindi naparalisa ng isinagawang transport strike ang mga biyahe ng mga pampublikong sasakyan sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon kay Joel Bolano Technical Division Chief ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 10 percent lamang ng ruta sa National Capital Region o NCR ang naapektuhan ng transport strike habang 5 percent lamang ang naapektuhan sa buong bansa.
Maliban sa NCR, bahagyang naapektuhan ang biyahe sa Region 4-A o CALABARZON subalit wala namang na-stranded na mga commuter dahil agad namang nakapagpadala ng rescue vehicle ang mga Local Government Unit.
Sa 138 na rescue buses na 19 lang ang nagamit.
Facebook Comments