Manila, Philippines – Nagbanta ng panibagong tigil-pasada ang Pinag-Isang Samahan Ng Tsuper At Operators Nationwide o grupong PISTON.
Ayon kay PISTON President George San Mateo, kasunod ito ng pag-arangkada ng jeepney phase-out ng Department of Transportation o DOTr sa pagpasok ng 2018.
Aniya, maraming tsuper ang tila nanaisin na lamang maging kriminal dahil malinaw na pinagkakaitan sila ng pamahalaan na mabuhay ng marangal.
Hindi aniya sila titigil hangga’t hindi inihihinto ng pamahalaan ang plano nito na i-modernize ang mga pampublikong sasakyan.
Giit pa ni San Mateo, hindi ito ang tunay na solusyon sa mga problema sa sektor ng transporasyon sa bansa.
Facebook Comments