Transport strike, nananatiling mapayapa – PNP

Nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa kalakhang Maynila sa kabila nang nagpapatuloy na tigil-pasada ng grupong PISTON.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PCol. Jean Fajardo walang naitatalang untoward incident ang kapulisan.

Ani Fajardo, minimal lamang ang epekto ng nasabing tigil-pasada dahil nagpakalat naman ng mga sasakyan para sa libreng sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) maging ang iba’t ibang Local Government Unit (LGU).


Inilibas din ng PNP ang kanilang mga mobile patrol upang umalalay sa mga ma-stranded na pasahero.

Paliwanag pa ni Fajardo mananatili ang pulisya sa mga lugar na pinagdarausan ng tigil pasada para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.

Kasunod nito, nakikiusap ang PNP sa mga nagkakasa ng tigil pasada na huwag mamilit ng mga ayaw sumali o makiisa sa transport strike.

Giit ni Fajardo, ayaw nilang humantong sa arestuhan ang paghahayag ng saloobin ng mga tsuper bilang bahagi naman ito ng demokratikong proseso.

Facebook Comments